PDL na tumakas at 25-taon na nagtago, balik-kulungan na

PDL na tumakas at 25-taon na nagtago, balik-kulungan na

Matapos ang 25 na taon pagtatago, muling naaresto ng Bureau of Corrections (BuCor) Fugitive Recovery Team ang isang puganteng person deprived of liberty (PDL) buhat sa Iwahig Prison and Penal Farm, sa isinagawang operasyon sa Sitio Pandaitan, Barangay Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro kamakailan.

Kinilala ni Sablayan Prison and Penal Farm Chief Superintendent Roberto Veneracion ang naarestong tumakas na na PDL na si Pedrino G. Núñez,59-anyos at residente ng Sitio Pandaitan, Barangay Sta. Lucia, Sablayan, Occidental Mindoro.

“Tulad ng sinabi ko noon na kapag kayo ay tumakas hahanapin namin kayo kahit saan kayo magtago at ibabalik namin kayo sa corrections facility at ito ang patunay,” sabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Babala ni Catapang na hindi aniya makakatakas ang sinuman sa mahabang kamay ng batas.

Si Núñez ay nagsilbi ng kanyang hatol sa IPPF Central Sub-colony para sa kasong murder matapos siyang hatulan ng reclusion perpetua ng hukuman.

Siya ay dumating sa IPPF noong October 23, 1997 at tumakas sa kulungan noong April 14, 1999. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *