Toll collection ipinapatupad na sa CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange

Toll collection ipinapatupad na sa CALAX Silang (Aguinaldo) Interchange

Inanunsyo ng MPCALA Holdings Inc., ang concessionaire ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ang implementasyon ng toll rates para sa Silang (Aguinaldo) Interchange matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB).

Naging epektibo alas-12:01 ng madaling araw noong February 10, 2024.

“The implementation of these toll rates aids in the continuous maintenance and enhancement of our toll road while ensuring efficient and safe travel for our users. The Silang (Aguinaldo) Interchange has become a vital part of our network, significantly enhancing the connectivity and economic landscape of the region,” sabi ni Mr. Raul L. Ignacio, President at General Manager ng MPCALA Holdings Inc.

Ang Silang (Aguinaldo) Interchange ay mahalagang bahagi ng CALAX na direktang kumukonekta sa Aguinaldo Highway para sa mas maayos at lalong mabilis na biyahe na susi patungong destinasyon ng turismo sa mga lugar sa Cavite kabilang ang Tagaytay at Silang. Binuksan ito sa mga motorista noong November 8 kung saan libre ang toll until further notice.

Nalampasan ng CALAX ang kanyang target na kada araw na trapiko para sa katatapos na pagbubukas ng subsection na may kahanga-hangang bilang na 12,000 na sasakyan kada araw buhat sa inasahang 5,000 na kotse at naging mahalagang parte ng imprastruktura ng rehiyon.

Nakatakdang abutin ng CALAX ang kabuuang haba na 45 kilometers sa 2025 na tampok ang walong strategically positioned interchanges: Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, Silang (Aguinaldo), Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange.

Maayos na nakakonekta ang CALAX sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa Kawit na mag-iisa sa mga mahahalagang rehiyon.

Kasalukuyan ang operasyon ng kahabaan ng segments magmula sa Mamplasan Rotunda hanggang Silang (Aguinaldo) Interchange. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *