Pananakit ng mga pulis sa mga nagprotestang mag-aaral sa QC kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Pananakit ng mga pulis sa mga nagprotestang mag-aaral sa QC kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Mariing kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang hindi mapayapang dispersal ng mga pulis sa mga estudyanteng nagkasa ng kilos protesta sa harap ng House of Representatives noong Lunes.

Ito ay reaksyon ni Belmonte sa kumakalat na video hinggil sa umano’y hindi makatwirang dispersal ng mga pulis sa mga mag-aaral.

Nakita sa video na itinulak at hinampas ng ilang pulis ang mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) habang nagpapahayag ng kanilang saloobin kaugnay sa mahalagang isyu sa Kamara.

Ayon kay Belmonte, walang puwang sa lungsod ang ganitong uri ng aksiyon lalo pa at kilala ang Quezon City bilang malayang lugar para sa pagtitipon at pagpapahayag ng saloobin ng iba’t-ibang grupo.

Dahil dito, kinausap at pinaalalahanan ni Mayor Belmonte si QCPD Director Redrico Maranan na hindi niya kukunsintihin ang ganitong gawain ng mga pulis.

Bilang tugon, agad na kinausap ni Gen. Maranan ang Internal Affairs Service ng QCPD upang imbestigahan kung may nagawang paglabag sa police operational procedures ang mga pulis sa naturang insidente.

Pinulong din ni Maranan ang station commander ng Batasan Police at inatasan na pagsabihan ang kaniyang mga tauhan hinggil sa nararapat na aksiyon sa mga nagsasagawa ng kilos protesta sa kanilang area of responsibility. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *