Halaga ng pinsala ng El Niño sa panamin umabot na sa P150M
Umabot na sa P150 milyong halaga ng palay at mais ang nasira dahil sa El Niño.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communicaitons Office Assistant Secretary at Task Force El Niño spokesman Joey Villarama, nasa P141 milyon ang nasirang palayan habang nasa P10 milyon naman sa mais.
Sinani ni Villarama na galing ang datos sa Regions VI at IX.
Pero ayon kay Villarama, maliit na halaga lamang ito.
Pagtitiyak ng opisyal, sapat ang suplay ng bigas at iba pang pagkain sa bansa sa kabila ng nararanasang tagtuyot.
Ayon sa PAGASA, aabutin ng hanggang sa buwan ng Abril ang panahon ng tagtuyot.
Sa halip na 50 na probinsya, 41 na probinsya na lamang ang tatamaan ng El Niño. (Chona Yu)