Pamahalaan hiniling sa Japan na imbestigahan ang mga bomb threats sa mga ahensya ng gobyerno

Pamahalaan hiniling sa Japan na imbestigahan ang mga bomb threats sa mga ahensya ng gobyerno

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa gobyerno ng Japan para maimbestigahan ang mga bomb threat na natatanggap ng mga ahensya ng gobyerno sa Pilipinas.

Sa pahayag ng Presdiential Communications Office (PCO), sinabing nakikipag-ugnayan na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese Government.

Ito ay para magsagawa ng imbestigasyon ang Japanese government at matukoy kung sino ang nagpapadala ng bomb threat.

Kabilang sa nakatanggap ng bomb threat ang Department of Education division office sa Bataan; local government ng Iba, Zambales; at ang haed office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

Ayon sa CICC ang mga email na naglalaman ng bomb threat ay galing ng Japan.

Nagpadala din ito ng mga banta sa Seoul, South Korea. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *