Anim na ahensya ng gobyerno sabay-sabay nakatanggap ng bomb threat noong Lunes (Feb. 13)
Anim na ahensya ng gobyerno ang nakatanggap ng bomb threat noong Lunes (Feb. 13) ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Ang CICC at ang Philippine National Police (PNP) ay nakatanggap ng report na anim na ahensya ang nakakuha ng email hinggil sa bomb threat.
Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, wala namang dapat na ikabahala dahil pawang hoax ang bomb threat.
Sa parehong oras, may mga ahensya din sa Seoul, South Korea ang nakatanggap ng parehong email.
Noong nakaraang taon, ilang ahensya din ng gobyerno sa Pilipinas ang nakatanggap ng parehong bomb threat, mula sa parehong sender. (DDC)