MMDA humanitarian team naghatid ng malinis na tubig sa 4 lugar sa Davao de Oro

MMDA humanitarian team naghatid ng malinis na tubig sa 4 lugar sa Davao de Oro

Nahatiran kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinatiran ng malinis na tubig ang tatlong lugar sa Mawab at isa sa Maco, Davao de Oro sa kanilang nagpapatuloy na operasyon doon sa gitna ng malawakang pagbaha at landslide sa lugar.

Nakapamahagi ang MMDA team ng 2,070 galon ng malinis na tubig para sa 2,135 na indibidwal sa Barangay Elizalde sa Maco; Barangay Nueva Visayas, Lorenzo S. Sarmiento Sr. National High School, at Bawani Elementary School na evacuation areas sa munisipalidad ng Mawab.

Noong Pebrero 9 dumating ang grupo sa Davao para bigyan ng malinis na inuming tubig ang mga apektadong residente sa probinsya, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *