Patay na dugong natagpuan sa baybayin ng Sarangani

Patay na dugong natagpuan sa baybayin ng Sarangani

Natagpuang walang buhay ang isang juvenile male Dugong sa baybayin ng Barangay Tango sa Glan, Sarangani Province.

Ayon kay Cirilo A. Lagnason, Jr., protected area superintendent (PASu) ng Sarangani Bay Protected Seascape (SBPS), nakita ng residenteng si Eddie Garcia ang patay na dugong at agad itong ipinarating sa mga otoridad.

Agad namang nagpadala ng tauhan ang SBPS Protected Area Management Office (PAMO) megafauna response team (MRT) kasama ang mga tauhan ng PNP Maritime at DENR-12 Conservation and Development Division Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section (CDD-PAMBCS).

Sa pagsusuri na ginawa sa dugong, tumitimbang ito 60 kilos at may haba na 137 centimeters.

Walang nakitang sugat sa katawan nito, walang senyales ng physical trauma, subalit may kaunting galos sa likuran.

Nang isailalim sa necropsy ang dugong, nakitang nakaranas ito ng internal problem malapit sa tiyan dahil sa pumulupot na nylon strands at seagrass.

Dinala ang dugong sa Wildlife Rescue Center sa Brgy. Ladol, sa bayan ng Alabel.

Sasailalim ito sa taxidermy processing para magamit sa educational, research, at conservation purposes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *