MMDA nagpadala ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao De Oro
Nagpadala ng 30-man contingent ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Davao Region para tumulong sa mga apektado ng baha.
Animnapung unit ng solar-powered water purifiers ang nakatakdang i-deploy sa lugar para magbigay ng malinis na tubig sa mga nasalantang residente.
Nasa 180 galon ng tubig kada oras ang kayang i-filter ng isang unit.
Kasama sa 30-man contingent ang mga tauhan ng Public Safety Division, Road Emergency Group, at Flood Control and Sewerage Management Office.
Pinangunahan ni MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang send-off ceremony ng grupo.
Ang pagpapadala ng humanitarian team ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para makapaghatid ng karagdagang tulong sa mga binaha sa lugar. (Bhelle Gamboa)