PCG tumulong sa Retrieval and Search and Rescue operation sa landslide sa Davao de Oro

PCG tumulong sa Retrieval and Search and Rescue operation sa landslide sa Davao de Oro

Tumulong ang mga tauhan ng Coast Guard District Southeastern Mindanao sa Retrieval and Search and Rescue operation matapos ang naganap na landslide sa Maco, Davao De Oro.

Ilang indibidwal pa ang napaulat na nawawala bunsod ng nasabing landslide na naganap noong Feb. 6.

Nagpadala ang Coast Guard Station Davao de Oro ng 26 na tauhan nito bilang bahagi ng Quick Response Team (QRT), gayundin ang CG K9 Search and Rescue (SAR) working dog na si “Appa”.

Inihanda din ng PCG ang Deployable Response Group (DRG) nito sakaling kailanganin pa ng karagdagang tulong. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *