Mahigit 40 pa ang nawawala sa landslide na naganap sa Maco, Davao De Oro
Patuloy pang pinaghahanap ang mahigit 40 indibidwal sa landslide na naganap sa Maco, Davao De Oro.
Sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD), nakapagtala na ng pitong nasawi dahil sa nasabing trahedya.
Mayroon ding naitalang 39 na sugatan at 49 pa ang pinaghahanap.
Naganap ang landslide noong Feb. 6 malapit sa isang mining site sa Brgy. Masara.
Pauwi na dapat ang mga empleyado pagkatapos ng kanilang duty ng mangyari ang pagguho ng lupa.
Kasama ring nabaon sa lupa ang dalawang pampasaherong bus, barangay hall at ilang residential area. (DDC)