Las Piñas LGU hindi maniningil ng late registration fee ngayong Pebrero

Las Piñas LGU hindi maniningil ng late registration fee ngayong Pebrero

Magandang balita sa mga Las Piñeros.

Hindi maniningil ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pangangasiwa ng City Civil Registry Office ng P150 na late registration fee sa birth, marriage, at death certificates para sa buong buwan ng Pebrero.

Ito ay bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa paggunita ng Civil Registration Month.

Ang inisyatibang ito ay handog nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar para sa mga Las Piñeros. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *