79th Liberation Anniversary ng Las Piñas ginunita
Ipinagdiwang kamakailan ng Las Piñas City ang kanyang 79th Liberation Anniversary sa bantayog ng mga beterano noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Pinangunahan ni Regional President of Veterans Federation of the Philippines-National Capital Region, Veteran Roberto C. Fernandez ang mahalagang aktibidad sa bantayog na nasa ilalim ng Zapote flyover, Barangay Zapote sa lungsod.
Nagsagawa ng banal na misa na dinaluhan ng ilang Las Piñerong beterano na kasama ang kanilang pangalan na nakaukit sa naturang bantayog.
Sinundan ito ng pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog bilang tanda ng pag-alala at pagbibigay respeto sa mga beteranong lumaban para sa kalayaan ng Las Piñas.
Samantala inatasan ni Mayor Mel Aguilar ang tanggapan ng Turismo at Kultura ng lungsod bilang kinatawan ng alkalde sa mahalagang pagtitipon.
Tunay nga na ang kasaysayan at sakripisyo ng bawat beterano ay kumakatawan sa kapayapaan at respeto sa bayan ng Las Piñas. (Bhelle Gamboa)