DTI tuloy ang paghihigpit sa pagbebenta ng vape

DTI tuloy ang paghihigpit sa pagbebenta ng vape

Pinaigting pa ng Department of Trade and Industry (DTI) monitoring at enforcement operations laban sa mga lumalabag sa Republic Act No. 11900 o “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act at sa Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Sa mga ikinasang operasyon ng DTI, mahigit 18,000 na non-compliant vape products ang nakumpiska na tinatayang P5.5 million ang halaga mula sa mga ininspeksyon na physical at online stores.

Nakapag-isyu na din ang DTI ng notices of violations (NOVs) at show cause orders (SCOs) sa 269 physical stores kung saan inaatasan ang mga ito na magsumite ng written explanation.

Samantala, ang online monitoring unit ng DTI ay nakapag-inspeksyon na ng 66,000 online vape stores.

Sa nasabing bilang, nasa 61,000 ang naisyuhan ng SCOs.

Ayon sa DTI, sa ginagawang inspeksyon, tinututukan ng ahensya ang kabiguan ng mga tindahan na matiyak na walang menor de edad na nakabibili ng kanilang produkto.

Karamihan sa mga naisyuhan ng NOVs at SCOs ay ang mga retailer na bigong beripikahin ang edad ng buyers.

Pinuna din ng DTI ang mga tindahan ng vape na gumagamit ng cartoons, anime, manga, animated characters, youth influencers, at personalities sa kaknilang packaging. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *