2.8 percent inflation rate naitala noong Enero

2.8 percent inflation rate naitala noong Enero

Mas bumagal pa ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa noong buwan ng Enero 2024 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa naitala ang inflation rate na 2.8% noong Enero, na mas mababa kumpara sa 3.9% noong Disyembre 2023.

Ayon kay Mapa, pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation noong Enero ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

Kabilang sa bumaba ang presyo ng gulay at tubers, presyo ng isda at iba pang seafood, at presyo ng karne.

Bumaba din ang presyo ng housing, tubig, kuryente, gas at iba pang fuels. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *