Motornappers huli, mga baril at granada nasamsam

Motornappers huli, mga baril at granada nasamsam

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Taguig City Police Sub Station 4, SWAT, TMRU at Sub Station 10, nahuli ang limang indibiduwal kabilang ang tatlong kabataan na pawang suspek sa pagtangay sa motorsiklo ng isang mister habang angkas nito ang kanyang buntis na misis sa nasabing lungsod.

Ang mga naarestong suspek ay kinilala sa alyas Dan, 23-anyos, alyas Gelo, 20-anyos, at tatlong kabataan na pawang sangkot umabo sa mga kriminal na aktibidad, mga paglabag sa Republic Acts 10883 (The New Anti-Carnapping Law), R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition), at R.A. 9516 (Illegal Possession of Explosives).

Sa ulat, minamaneho ng 25-anyos na pool attendant ang motorsiklo nito at angkas ang kanyang nagdadalantaong misis, sa C6 Road Lakeshore, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Dito sila hinarang ng mga suspek na armado ng baril kung saan tatlo rito ang puwersahang kumuha sa motorsiklo ng mag-asawa na iniwang nabigla sa nangyaring insidente.

Agad tinawagan ng babae ang kanyang kapatid upang humingi ng tulong na nagawang maispatan ang mga suspek na sakay ng naturang motorsiklo sa Barangay Bambang at tauhan ng Sub Station 4.

Isang joint follow-up operation ang ikinasa ng mga otoridad sa tulong ng kuha ng CCTV ay natunton ang nakaw na motorsiklo at pinangtataguan ng mga suspek sa loob ng Wesly Poultry Supply sa Brgy. Bambang dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska ang 9mm Glock 17 Gen 4 na may buradong serial number, 9mm Glock 26 Gen 5 firearm SNwith serial number AEFRO83, granada, isang 30-round Glock magazine, dalawang tig-10 na round Glock magazines, sinturon, belt bag, sampung bala ng 9mm at 12 pang rounds na bala ng 9mm na patunay lamang umano na sangkot ang mga suspek sa iba’t ibang kriminal na aktibidad.

“We commend the swift and effective collaboration of our law enforcement units in Sub Station 4, SWAT, TMRU, and Sub Station 10 for their remarkable efforts leading to the successful operation and apprehension of the suspects involved in multiple criminal activities. This operation showcases the dedication and efficiency of the Taguig City Police force in maintaining public safety and upholding the rule of law, ayon kay .

“The recovery of stolen property and the confiscation of crucial evidence are significant milestones in our commitment to ensure the security of our community. We will continue to work tirelessly to bring justice to the victims and hold those responsible accountable for their actions,” sabi ni Brigadier General Mark D. Pespes, District Director ng Southern Police District.

Aniya ang tagumpay na ito ay patunay ng propesyunalismo at dedikasyon ng ating mga pulis.

Hinikayat din ni BG Pespes ang publkko na manatiling mpagmatyag o mapanuri at isumbong ang anumang makitang kahina-hinalang aktibidad upang tulungan ang Taguigsa mga hakbang na kaligtasan sa komuniad.

“We extend our gratitude to the community, our partner agencies, and all those involved in this operation for their unwavering support. Together, we will strive for a safer and more secure environment for everyone in Taguig City, sabi ni BG Pespes.” (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *