DSWD Eastern Visayas namahagi ng P25M na halaga ng Emergency Cash Transfer sa Northern Samar
Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-8 ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Palapag, Northern Samar.
Sa isinagawang distribusyon, nakapamahagi ang DSWD ng mahigit P25,400,000 na ECT sa 8,368 na mga benepisaryo sa Palapag.
Ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ay para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre.
Ayon sa pinakahuling datos, nakapamahagi na ang DSWD ng mahigit P66,600,000 sa 21,918 na mga benepisaryo mula sa bayan ng Palapag, Lavezares, at San Jose.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang mga isinasagawang payout sa iba pang mga munisipiyo. (DDC)