DOJ tinutulan ang mga panawagang “secession” ng Mindanao
Tinutulan ng Department of Justice (DOJ) ang mga panawagang ibukod ang Mindanao sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag na inilabas ng DOJ, tutol ito sa anumang pagtatangka na territorial integrity ng Pilipinas na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Ayon sa kagawaran ang anumang tangkang “secession” ay hindi naaayon sa prinsipyo ng democratic society sa ilalim ng Article II, Section 2 ng Saligang Batas.
Bilang principal law agency ng executive branch sinabi ng DOJ na poprotektahan nito ang soberanya ng bansa. (DDC)