Publiko pinag-iingat sa mga pekeng delivery text message
Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa mga pekeng delivery text message.
Ayon sa BSP, ang nasabing mga mensahe ay naglalaman ng kahina-hinalang links at instruction na humihiling na i-update ang personal at bank o e-wallet information.
Nakasaad sa mensahe na hindi maihatid ang parcel dahil sa hindi kumpletong address.
Nagmumula ang mensahe sa hindi kilalang tao o numero.
Paalala ng BSP, huwag i-click ang link na ibinibigay sa nasabing mensahe. (DDC)