Pagdinig sa panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon inumpisahan na ng Senado
Sinimulan na ng Senado ang deliberasyon sa panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Ang pagdinig sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ay ganap na inumpisahan ng Senado sa panguguna ni Sen. Sonny Angara.
Layunin ng panukala na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution partikular ang bahagi na may kaugnayan sa foreign ownership restrictions, educational institutions at advertising industry.
Ayon kay Angara, walang tatalakayin na political amendments sa gagawing pagdinig.
Nakatakda ding imbitahan ang iba’t ibang sektor sa mga susunod na pagdinig. (DDC)