PCG tiniyak na ligtas ang kanilang website kasunod ng ulat ng DICT na tinangka itong pasukin ng hackers

PCG tiniyak na ligtas ang kanilang website kasunod ng ulat ng DICT na tinangka itong pasukin ng hackers

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na secured ang website nito kasunod ng ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na tinangka itong pasukin ng hackers.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, agad silang nagkasa ng imbestigasyon matapos ang report ng DICT.

Sinabi ni Balilo na wala silang na-monitor na anumang tangkang pagpasok sa kanilang website at nananatili itong ligtas.

Ani Balilo sapat ang firewall ng kanilang website para maharang ang anumang tangkang pagpasok ng hackers.

Inatasan naman ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) na makipag-ugnayan sa DICT. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *