Mahigit 1,000 pamilya sa Davao Oriental na naapektuhan ng pagbaha, hinatiran ng tulong DSWD

Mahigit 1,000 pamilya sa Davao Oriental na naapektuhan ng pagbaha, hinatiran ng tulong DSWD

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Davao Oriental.

Sa bayan ng Manay sa Davao Oriental, 628 na pamilya na naapektuhan ng pagbaha ang tumanggap ng family food packs.

Mayroon namang 512 na pamilya din ang nakatanggap ng food packs mula sa bayan ng Caraga sa nasabi ring lalawigan.

Sinamantala din ni Gatchalian ang pagkakataon na magkaroon ng pakikipagpulong sa mga lokal na opisyal sa lalawigan.

Nakausap ng kalihim sina DSWD Caraga Mayor Ronie Osnan, Congressmen Nelson Dayanghirang at Cheeno Almario, at iba pang mga alkalde mula sa mga bayan na naapektuhan ng pagbaha dulot ng shear line.

Ito ay para personal na alamin ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *