Solar irrigation project, ipangtatapat sa El Nino
Para matugunan ang epekto ng El Nino, isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oaggamit ng solar power irrigation sa bansa.
Sa talumpati sa ceremonial Palay Harvesting at distribution ng ayuda sa mga magsasaka sa Candaba, Pampanga, sinabi ni Pangulong Marcos na tinalakay na nila ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang pagbisita kamakailan sa Vietnam.
Ayon sa pangulo, mapapataas ng solar irrigation project ang produksiyon at kita ng mga magsasaka.
Sa isang unit aniya ng solar power irrigation ay kaya nitong makapag-patubig ng 20 ektarya ng lupain.
Libu-libong yunit ng solar power irrigation ang balak na ipagawa ni Pangulong Marcos sa buong bansa.
Pangako ni Pangulong Marcos, hindi pababayaan ang mga magsasaka.
Inaasahang tatagal ang El Nino sa bansa hanggang sa buwan ng Hunyo ngayong taon. (Chona Yu)