Pilipinas bukas para sa expansion plans ng mga kumpanya sa Vietnam

Pilipinas bukas para sa expansion plans ng mga kumpanya sa Vietnam

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga negosyante sa Vietnam na ikonsidera ang Pilipinas sa expansion plans para kanilang mga negosyo.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa luncheon kasama ang Vietnamese at Filipino businessmen.

Ayon sa pangulo, maaaring maging secondary location ang Pilipinas para sa manufacturing operations ng mga negosyante sa Vietnam.

“The Philippines can serve as a secondary location in support of your manufacturing operations in Viet Nam, especially in key sectors such as energy, infrastructure, automotive, and services,” ani Marcos.

Welcome din sa pangulo ang naging alok ng VinGroup Company na mamuhunan sa Pilipinas partikular sa electric vehicle (EV) battery production na ayon sa pangulo ay napapanahon dahil naka-sentro ngayon ang bansa sa pag-modernisa ng public transportation.

Nagpasalamat din si Pangulong Marcos kay Vietnam Prime Minister Chinh sa pagtanggap sa kaniya at sa mga miyembro ng delegasyon.

Ang total trade sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam ay umabot sa US$6.18 billion noong 2022,.

Sa nasabing state visit ng pangulo, nagkasundo ang dalawang bansa na itaas ang trade sa US$10 billion kada taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *