Pagtatayo ng special economic zones sa lupa ng BuCor pinagtibay

Pagtatayo ng special economic zones sa lupa ng BuCor pinagtibay

Nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para bigyang-daan ang pagtatayo ng economic zones sa bahaging lupa ng BuCor.

Kahapon pumirma sa MOA sina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. at PEZA Director General, Tereso O. Panga sa tanggapan ng PEZA sa Pasay City.

Sinabi ni Catapang sa ilalim ng Republic Act No. 10575 o mas kilala sa tawag na “Bureau of Corrections Act 2013” na magbibigay ng modernisasyon, propesyunalismo at muling pagsasaayos ng Bureau kaya ang BuCor ay marapat na magplano, magsaayos, mag-operate at magbukod-bukod ng mga lupa nito para gamitin sa Special Economic Zones.

Idinagdag pa ni Catapang na ang RA 10575 ay magbibigay din ang BuCor ng mga lupa na gagamitin sa seguridad, programang repormasyon at bilang pamamaraan naman nang pagsusulong ng katatagan sa parehong income at non-income generating programs, meron o walang partnerships sa non-government, civic organizations o iba pang sangay ng gobyerno.

Kinokonsiderang mahalagang partner ang BuCor sa paghihikayat ng Foreign Direct Investments (FDI) at ng paglikha ng mga oportunidad pang-ekonomiya sa loob ng PEZA legal framework, ayon sa napagkasunduang pagtutulungan ng dalawang ahensiya sa pagpapatibay ng kanilang alyansa sa pamamagitan ng MOA.

Magkakaroon ng malapit na kooperasyon sa parehong ahensiya at pagtukoy ng mga bahaging lupa ng BuCor na maaaring ayusin bilang economic zones na espesyal na nakatuon sa Palawan bilang agrikultural at economic zone na mag-aambag sa food security o seguridad sa pagkain sa bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *