TINGNAN: Dugong namataan sa karagatan ng Sarangani
Namataan ng monitoring team ng Department of Environment and Natural resources (DENR) ang isang ‘solitary dugong’ sa karagatan ng sakop ng Maasim, Sarangani.
Gamit ang drone camera ay nakita ang dugong sa Sarangani Bay Protected Seascape (SBPS) sakop ng Brgy. Gumasa.
Regular na nagsasagawa ng monitoring ang DENR sa lugar na bahagi ng kanilang quarterly watch.
Ayon kay Cirilo A. Lagnason, Jr. SBPS protected area superintendent (PASu), ang sighting ng “dugong” sa lugar ay patunay ng critical role ng pagkakaroon ng strict protection zone para magkaroon ng sanctuary ang mga threatened marine wildlife.
Ang “dugong” ay itinuturing nang “vulnerable” dahil sa unti-unti nitong pagkaubos bunsod ng habitat loss. (DDC)