MMDA tumanggap ng kagamitan mula sa ride-hailing firm na JoyRide PH
Nakatanggap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga kagamitan tulad ng bags, rain coats, rain boots, at uniforms mula sa ride-hailing firm na JoyRide PH.
Ang mga kagamitang ito ay ipinamahagi naman sa mga miyembro ng MMDA Special Operations Group-Strike Force at mga instructors ng MMDA Motorcycle Riding Academy (MRA).
Tinanggap ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana kasama sina MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, at Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez ang mga donasyon mula sa JoyRide PH na iniabot ninaJoyRide PH Vice President Jerico Meneses at Vice President for Biker Management Julius Ballesteros.
Napag-usapan ng MMDA at Joyride ang posibilidad ng paggamit ng certificate ng mga riders na sumailalim at nakumpleto ang training sa MRA para makapag-apply sa mga ride-hailing app tulad ng JoyRide PH. (Bhelle Gamboa)