People’s Initiative nagamit sa pangpulitika ayon kay Pang. Marcos
Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagamit na sa pangpulitika ang pag-amyenda sa Saligang Batas o Charter Change sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).
Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na bago siya umalis ng bansa kinausap niya muna ang mga mambabatas at iba pang eksperto sa batas para hanapan ng paraan ang pagbabago ng Saligang Batas.
“So, napupunta sa ibang usapan at nagagamit na pangpulitika itong isyu na ito. So, I’ve asked the leaders of both Houses and again, some of the best constitutional minds that we have in the Philippines to come up with a simpler solution that does not cause so much controversy,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa mga pinagtatalunan ng mga kongresista at mga senador ay kung boboto bilang isang kongreso o hiwalay na botohan.
Pero ayon sa pangulo, base sa interpretasyon ng mga eksperto, hiwalay ang magiging botohan ng kongreso sa Charte Change.
Sa ngayon, aminado si Pangulong Marcos na hindi niya batid kung ano ang mangyayari sa isinusulong na People’s Initiative.
“We don’t know yet. We haven’t made those decisions yet. But I think as of now the People’s Initiative is—they’re continuing… but it is not–I don’t know if that is still one of the options that remains for us,” pahayag ni Pangulong Marcos. (Chona Yu)