Mahigit P445K na cash assistance ipinamahagi sa 129 beneficiaries sa CamSur
Umabot sa 129 beneficiaries ang nabigyan ng tulong-pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Camarines Sur.
Ito ay sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS program ng DSWD Field Office 5.
Ang 129 ay na kinabibilangan ng mga persons with disabilities sa bayan ng Canaman ay bahagi ng Cash-for-Work program ng ahensya.
Kabuuang 445,050 pesos na halaga ng financial assistance ang ipinamahagi ng DSWD.
Bawat isa ay tumanggap ng P3,450 para sa pagsasagawa nila ng 10-day community work.
Ang programa ay nagbibigay ng temporary employment sa mga low-income persons with disabilities na natukoy at na-validate sa pamamagitan ng National Household Targeting Office (NHTO) at ng Local Government Units (LGUs). (DDC)