Bayanihan sa Barangay program isinagawa ng MMDA sa QC

Bayanihan sa Barangay program isinagawa ng MMDA sa QC

Dinala ng Metropolitan Manila Development Authority ang programang Bayanihan sa Barangay sa Barangay Damayan, Quezon City.

Nilinis ng mga tauhan ng MMDA ang Frisco Public Market at nagsagawa rin ng misting sa Cong. Reynaldo A. Calalay Memorial Elementary School.

Bukod dito, nagsagawa rin ng drainage declogging, trimming of trees, sidewalk clearing, isinaayos ang mga pavement markings at traffic signages sa barangay.

Ang mga residente ay nakapag-uwi naman ng grocery items kapalit ng kanilang recyclables sa pamamagitan ng Mobile Materials Recovery Facility ng ahensiya.

Naglagay din ng one-stop shop query service para naman ma-check ng mga motorista kung may violations ang kanilang sasakyan.

Ayon kay MMDA General Manager Usec. Popoy Lipana, hinihikayat ng programa ang mga residente ng barangay na panatilihing malinis ang kanilang lugar katuwang ang iba’t ibang departamento ng ahensiya.

Nagpahayag naman si Quezon City Assistant City Admin Alberto Quimpo ng pasasalamat sa MMDA para sa mga serbisyo ng Bayanihan sa Barangay sa lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *