632 PDLs pinalaya ng BuCor ngayong buwan ng Enero

632 PDLs pinalaya ng BuCor ngayong buwan ng Enero

Inanunsyo ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang paglaya ng 632 na persons deprived of liberty (PDLs) ngayong buwan ng Enero sa ginanap na simpleng culminating activity sa Social Hall ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Catapang, sa naturang bilang 86 ang napawalang sala, 26 ang nakatapos ng kanilang hatol, 477 ang nakapagsilbi ng kabuuang sentensya na may Good Conduct Time Allowance, 19 ang nabigyan ng probation at 24 naman ang napagkalooban ng parole.

Sa datos ng BuCor, umabot na sa 11,347 na PDLS ang napalaya simula nang umupo bilang kalihim ng Department of Justice si Secretary Crispin Remulla.

“We hope to release more qualified PDLs once the Supreme Court resolved the issue on GCTA with regards to heinous crime offenders,” sabi ni Catapang

Ipinaliwanag pa ng BuCor chief na kung maresolba ang isyu na sila ay kuwalipikado, mayroon pang 5,000 hanggang 10,000 na pwedeng makinabang na mapalaya.

Idinagdag pa ni Catapang na magsasagawa sila ng novena para sa espirituwal na gabay na sana’y pumabor sa kanila ang desisyon ng SC.

Dumalo rin sa aktibidad sina DOJ Undersecretary Deo L. Marco bilang kinatawan ni Sec. Remulla, Atty. Persida Rueda-Acosta, chief, Public Attorney’s Office, Atty. Sergio Calizo Jr., chair ng Boards of Pardons and Parole na kumatawan kay Atty. Dickson Ayon-Ayon, DOJ Assistant Secretary Francis Tejano, Asec. Atty. Mico Clavano, Assistant Regional Director, at Atty. Jude Thomas Trayvilla ng Department of Labor and Employment-National Capital Region,kinatawan ni Reg. Dir. Atty. Sarah Buena Mirasol.

Samantala, nasa 500 pang PDLs ang inilipat mula sa Bilibid patungong Davao Prison and Penal Farm (DPPF) nitong weekend bilang parte ng programa ng BuCor na pagpapaluwag sa NBP.

Umabot na sa kabuuang 2,902 PDLs ang nailipat sa mga prison and penal farm ng Bucor sa labas ng Metro Manila simula noong June 2023.

Sa nasabing bilang,1,147 rito ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan, 950 sa DPPF, 607 sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, 150 sa Correctional Institution for Women sa Palawan at 48 naman sa Leyte Regional Prison. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *