Pangulong Marcos pinasalamatan ang mga Pinoy sa Vietnam
Nakipagkita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Filipino Community sa Vietnam.
Sa kanyang talumpati nagpasalamat ang pangulo sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa na aniya ay kabilang sa pagpapatunay ng matibay na relasyon ng dalawang bansa.
Ani Marcos isang patunay ng malapit na ugnayan ng dalawang bansa ay ang people-to-people connections.
Ayon sa pangulo, hindi na siya nasorpresa sa pagpapauri ng Vietnamese leaders sa husay ng mga Pinoy.
Tiniyak ni Marcos na patuloy na gagawa ng hakbang upang nalabanan ang kahirapan sa bansa partikular ang nafing epekto ng COVID-19 pandemic.
Mayroong nasa 7,000 OFWs sa Vietnam at ang kanilang remittances ay umaabot sa $13,683,000. (DDC)