DOLE naglabas ng pay rules para sa Feb. 9 na deklaradong special non-working day

DOLE naglabas ng pay rules para sa Feb. 9 na deklaradong special non-working day

Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng unang labor advisory nito ngayong taon bilang paalala sa mga employer sa wastong pagbabayad ng sahod para sa karagdagang special (non-working) day sa ika-9 ng Pebrero bilang pagdiriwang ng Chinese New Year sa buong bansa.

Inilabas ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma ang Labor Advisory No. 1, Series of 2024 alinsunod sa Proclamation No. 453 ng Office of the President.

Batay sa advisory, ipatutupad ang polisiyang “no work, no pay” sa mga empleyadong hindi magtatrabaho sa nasabing araw, maliban lamang kung mayroong paborableng patakaran ang kumpanya o collective bargaining agreement na nagbibigay ng sahod kapag mayroong special non-working day.

Kung ang empleyado naman ay papasok sa trabaho sa Feb 9 siya ay tatanggap ng dagdag na 30 percent ng kaniyang basic wage sa unang walong oras.

Ipagdiriwang ang Chinese New Year ngayong taon sa ika-10 ng Pebrero.

Ayon sa Malakanyang ang pagdeklara ng Feb. 9 bilang non-working day ay upang bigyan ng pagkakataon ang publiko na maipagdiwang ang Chinese New Year. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *