Vietnam magsu-suplay ng bigas sa Pilipinas

Vietnam magsu-suplay ng bigas sa Pilipinas

Dalawang milyong metrikong tonelada ng bigas kada taon ang isu-suplay ng Vietnam sa Pilipinas.

Ito ay matapos lagdaan ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding (MOU) ukol sa limang taong trade agreement sa pagitan ng pribadong sektor.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Marcos ang paglagda sa MOU kung saan may dalawang araw na state visit ang punong ehekutibo sa Vietnam.

Layunin ng MOU na matiyak na matatag ang food supply ng Pilipinas at maging abot kaya ang presyo ng bigas.

Bukod sa rice trade, inaasahang magkakaroon din ng palitan ng impormasyon ang dalawang bansa ukol sa polisiya, plans at regulations sa rice-trade related activities.

Una nang napag-usapan ang naturang kasunduan ng Pilipinas at Vietnam nang dumalo si Pangulong Marcos sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa Indonesia noong Setyembre. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *