E-Vehicle company sa Vietnam, maglalagak ng negosyo sa bansa
Maglalagak ng negosyo sa bansa ang VinGroup Company ng Vietnam.
Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga negosyante ng Vietnam sa Hanoi.
Nasa Vietnam si Pangulong Marcos para sa dalawang araw na state visit.
Nabatid na ang VinGRoup Company ay gumagawa ng mga battery para sa electric vehicle.
“I am very happy to note your interest in expanding your operations to the Philippines and you’ve just begun organizing offices there. And I think there is much that you could do,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“The Vingroup is well-known in the Philippines because we have… we are very much aligned of what we would like to do in the future in terms of electrical vehicle battery production,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, napapanahon ang pagpasok ng vinGroup lalo’t isinusulong ng administrasyon na gawing moderno ang mga pampublikong sasakyan partikular na ang mga jeep at tricycle.
“We are in the middle of our modernization program essentially meaning we are going to replace all our conveyances, buses and we have (a) particular type of transport …jeepneys,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi ni Pangulong Marcos kina Vingroup Chairman Pham Nhat Vuong at Nguyen Viet Quang, Vice chairman at CEO na tinutukoy pa ng pamahalaan ng Pilipinas kung anong mga specification ng battery ang kailangan dahil nagpapatuloy pa ang consolidation ng mga prangkisa ng mga pampublikong sasakyan.
Nabatid na ang Vingroup ay isang multi-sector corporation nan aka-focus sa technology and industry, trade and services at social enterprise. (Chona Yu)