Proseso para sa people’s initiative sinuspinde ng Comelec

Proseso para sa people’s initiative sinuspinde ng Comelec

Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng proseso na mayroong kaugnayan sa people’s initiative na layong maamyendahan ang 1987 Constitution.

Sa press conference, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, unanimous ang naging pasya ng Comelec en banc na suspendihin ang Comelec Resolution No. 10650 na naglalatag ng guidelines para sa people’s initiative.

Sakop ng indefinite suspension ang pagtanggap ng mga signature sheets ng mga local office ng Comelec.

Ani Garcia batay sa kanilang inisyal na assessment, kailangang i-review o i-enhance pa ang kasalukuyang implementing rules and regulations (IRR) hinggil sa people’s initiative.

Maaari kasi aniyang kulang o mayroong mga hindi nailagay sa guidelines.

Hindi naman binanggit ni Garcia kung gaano katagal ang proseso ng pag-rebisa sa guidelines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *