Quiapo Church naideklara na bilang National Shrine
Ganap ng naideklara bilang national shrine ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.
Idinaos ang solemn declaration ceremony araw ng Lunes, Jan. 29.
Ang seremonya ay pinanguunahan nina Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, CBCP President Pablo Virgilio S. David, at Apostolic Nuncio to the Philippines Charles John Brown.
Dumalo din sa solemn declaration ang mga arsobispo at mga obispo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa inilabas na pahayag, ipinaabot ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila ang pagbati sa mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno de Quiapo. (DDC)