Maritime cooperation tatalakayin sa pagbisita ni Pang. Marcos sa Vietnam

Maritime cooperation tatalakayin sa pagbisita ni Pang. Marcos sa Vietnam

Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniya kauna-unahang state visit sa Vietnam.

Sa kaniyang departure speech sinabi ng pangulo na ang Vietnam ang tanging strategic partner ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region.

Gagamitin din ang pagkakataon para pagtibayin ang commitment ng Pilipinas sa pagpapalakas pa ng bilateral relations ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos inaasahang matatalakay sa kaniyang pagbisita sa Vietnam ang kooperasyon ng dalawang bansa sa usapin ng defense and security, trade and investments, education, tourism, at iba pang regional and multilateral issues.

Magkakaroon din ng pulong ang pangulo sa mga miyembro ng Vietnamese business sector at ang Filipino community. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *