Ilang bahagi ng Mindanao uulanin dahil sa trough ng LPA

Ilang bahagi ng Mindanao uulanin dahil sa trough ng LPA

Apektado ng buntot ng Low Pressure Area (LPA) ang ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga at Davao Region dahil sa trough ng LPA.

Malaking bahagi naman ng bansa ang apektado ng amihan o northeast monsoon.

Dahil sa amihan, magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Habag sa nalalabing bahagi ng Mindanao, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan o thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *