P40.7M na halaga ng cash assistance naipamahagi na ng DSWD sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Northern Samar
Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng cash assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha dulot ng Shear Line sa Eastern Visayas.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, nagsagawa na ng simultaneous payout ang DSWD sa ilalim ng kanilang Emergency Cash Transfer (ECT) Program.
Sa datos ng ahensya, mayroong 123,133 na pamilya mula sa Northern Samar na naapektuhan ng pagbaha dahil sa Shear Line ang natukoy na eligible para tumanggap ng cash aid.
Naglaan ang DSWD-Eastern Visayas ng 373.3 million na halaga para sa ECT payout sa rehiyon.
Hanggang noong Jan. 26, umabot na sa 13,418 na pamilya sa Northern Samar ang nabigyan ng tulong-pinansyal.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P3,040 na cash.
Sa kabuuan ayon sa ahensya, umabot na sa P40.7 million ang halaga ng cash assistance na naimapahagi sa Eastern Visayas. (DDC)