Mga kabataan sa Mulanay, Quezon nabigyan ng libreng pagsasanay at kagamitan mula sa Japanese professional baseball player na si Tsuyoshi Yoda

Mga kabataan sa Mulanay, Quezon nabigyan ng libreng pagsasanay at kagamitan mula sa Japanese professional baseball player na si Tsuyoshi Yoda

Tiniyak ni Mulanay, Quezon mayor Aries Aguirre ang pagbibigay ng suporta sa mga atleta sa naturang bayan.

Kasunod ito ng pagbisita sa Mulanay ng Japanese Baseball Superstar na si Tsuyoshi Yoda para magbigay ng libreng pagsasanay sa mga kabataan sa bayan na mahilig sa larong baseball.

Nagpasalamat si Aguirre kay Yoda sa pagpapaunlak sa kaniyang imbitasyon.

Ani Aguirre, bahagi ito ng pagsuporta ng Mulanay LGU sa mga kabataang atleta sa bayan.

“Nagpapasalamat ako kay Yoda na napabigyan ang imbitasyon natin. Ang Mulanay po kasi talaga ay lagi po kaming champion pagdating sa baseball dito sa probinsya ng Quezon, at may pagkakataon na lumalaban din kami sa Palarong Pambansa. So itong ginawa po natin na imbitahan si Yoda ay patunay na sinusuportahan ng LGU Mulanay ang mga atleta, lalo na ang mga kabataan”, ani Aguirre.

Dalawang baseball team mula sa Mulanay ang nakatanggap ng pagsasanay gayundin ng mga kagamitan para sa larong baseball.

Kabilang dito ang baseball shoes, gloves, baseball at iba pang gamit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *