Agri-Tourism Booth sa Mulanay, Quezon bumida sa Cocolunay Festival 2024
Umarangkada na ang Cocolunay Festival 2024 bilang pagdiriwang ng ika-279 taong pagkakatatag ng bayan kaya’t pormal nang binuksan sa publiko ang kanilang Agri-Tourism Booth kahapon Enero 26, na naka display dito ang samu’t-saring produktong ipinagmamalaki ng mga Mulanayin.
Iba’t-ibang produkto ang makikita mo sa bawat booth kabilang na ang mga isdang tuyo o processed fish, sea foods, kakanin, cacao, rice products, mga gulay at iba pa.
Pinangunahan ni Mayor Aris Aguirre at Vice Mayor Jay Esplana Castilleja, Provincial Tourism Officer Nestler Almagro kasama ang mga LGU Officials, mga panauhin at mga representante na nakiisa sa naturang aktibida.
Kasabay ng pagbubukas ay nagpakitang gilas ang mga Mulanayin dancers na naghandog ng kanilang sayaw at hindi nawawala ang tradisyunal na tagayan sa Quezon na siyang pangbungad na welcome sa mga bisita.