Pang. Marcos tiniyak ang mas malapit na kooperasyon sa BARMM
Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtugon ng pamahalaan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa ikalimang anibersaryo ng BARMM.
Kinikilala ni Pangulong Marcos ang napakahalagang papel ng BARMM sa isinusulong na “Bagong Pilipinas.”
“We join our brothers and sisters in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao in celebrating its 5th anniversary!” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Recognizing BARMM’s indispensable role in our Bagong Pilipinas, our commitment to close collaboration remains strong for just and lasting peace and prosperity, not only in Mindanao but throughout the nation,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Itinatag ang Bangsamoro Region noon 2019 sa bisa ng Bangsamoro Organic Law. (Chona Yu)