Antipolo Cathedral ganap ng naideklara bilang International Shrine
Ganap ng naideklara bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang Antipolo Cathedral.
Umaga ng Biyernes (Jan. 26) inilabas na ang imahe ng Nuestra SeƱora dela paz y Buenviaje sa facade ng Antipolo Cathedral para sa Symbolical Coronation.
Pinangunahan nina Papal nuncio Archbishop Charles Brown at Bishop Ruperto Santos ang Rite of Coronation sa imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage na sinundan ng pagdaraos ng misa.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mahigit 85 obiso mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Habang daan-daang mga pari mula sa Diocese of Antipolo ang dumalo din sa aktibidad.
Matapos ang nasabing deklarasyon, ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo ang naging kauna-unahang National Shrine sa buong Pilipinas at Southeast Asia.
Kinikilala na ito bilang unang International Shrine sa rehiyon.
Noong March 25, 2023 naging epektibo ang Papal Decree kung saan ang Antipolo Church ay idineklara ng Santo Papa bilang isang International Shrine. (DDC)