Social media post hinggil sa pag-endorso ng DOH sa isang milk product, peke ayon sa kagawaran

Social media post hinggil sa pag-endorso ng DOH sa isang milk product, peke ayon sa kagawaran

Walang ini-endorsong produktong gatas ang Department of Health (DOH) na sinasabing nagtataglay ng “colostrum”.

Sa inilabas na abiso ng kagawaran, binigyang babala ang publiko sa ipinakakalat na post gamit ang pangalan ng DOH at ini-endorso ang isang brand ng powdered milk.

Paalala ng DOH, wala anumang ginagawang pag-endorso ang kagarawan,

Sinabi ng DOH na maaaring masampahan ng kasong kriminal ang mga nagpapakalat ng nasabing pekeng impormasyon.

Nanawagan ang ahensya sa publiko na tiyaking lehitimo ang mga pinagkukunan ng impormasyon bago ito ibahagi o ipakalat. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *