Ilang baybaying dagat sa Visayas at Mindanao positibo sa Red Tide

Ilang baybaying dagat sa Visayas at Mindanao positibo sa Red Tide

Positibo sa nakalalasong red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.

Ayon sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), pinaiiwas ang publiko na kumuha, magbenta, bumili at kumain ng shellfish mula sa baybayin ng sumusunod na mga lugar:

– baybayin ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
– baybayin ng San Benito, Surigao del Norte
– Lianga Bay, Surigao del Sur
– Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur
– baybayin ng Milagros, Masbate
– San Pedro Bay, Samar
– Matarinao Bay, Eastern Samar

Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang anumang uri ng shellfish gayundin ang alamang na makukuha mula sa nasabing mga lugar.

Ligtas naman ang pagkain ng mga isda, pusit, hipon, at alimango na mahuhuli o makukuha sa nasabing mga baybaying dagat.

Kailangan lamang tiyakin na sariwa ang mga ito ay maayos na mahuhugasan bago lutuin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *