44 aftershocks naitala ng Phivolcs matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Magsaysay, Davao del Sur
Nakapagtala na ng 44 na aftershocks ang Phivolcs matapos ang tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Magsaysay, Davao del Sur noong Linggo (Feb. 7.)
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig alas 12:22 ng hapon sa bayan ng Magsaysay.
Pinakamataas na naitalang intensity ay Intensity VI sa Mlang, Makilala at Kabacan, North Cotabato.
Sa ilalim ng intensity scale ng Phivolcs ang Intensity VII ay maituturing na “destructive”.