45 percent ng pamilyang Pinoy sinabing nakararanas pa rin sila ng kahirapan

45 percent ng pamilyang Pinoy sinabing nakararanas pa rin sila ng kahirapan

Bahagyang bumaba ang naitalang self-rated poverty sa ikaapat na Quarter ng taong 2023.

Batay Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na ginawa noong Dec. 10 hanggang 14, 2023, nakapagtala ng self-rated hunger rate na 45 percent.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 46 percent noong 3rd Quarter ng 2023.

Sa 1,200 respodents, 45 percent ang nagsabing maituturing nila ang kanilang pamilya bilang “poor”, 44 percent ang hindi masabi kung sila ay “poor or not poor” at 11 percent ang sumagot ng “not poor”.

Ang self-rated poverty ay bumaba sa NCR, mula 41 percent patungo sa 28 percent at sa Visayas mula sa 59 percent patungo sa 47 percent.

Habang tumaas naman sa Mindanao, mula sa 58 percent patungo sa 68 percent. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *