Deadline para sa PUV consolidation pinalawig ni Pang. Marcos hanggang Apr. 30, 2024

Deadline para sa PUV consolidation pinalawig ni Pang. Marcos hanggang Apr. 30, 2024

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa ng tatlong buwan para sa franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), ito ay para mabigyang pagkakataon ang iba pa na makalahok sa programa.

Ayon sa PCO, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ni Transport Secretary Jaime J. Bautista na palawigin pa ang consolidation ng mga PUV hanggang sa April 30, 2024.

Sa pamamagitan ng pagpapalawig ng deadline, sinabi ng Malakanyang na mabibigyang oportunidad ang mga nagpahayag ng intensyon na sumali sa consolidation subalit hindi nakahabol sa cut-off.

Sa datos ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) 190,000 units ng public utility vehicles na kinabibilangan ng UV Express, PUJs, mini-bus at bus ang nag-avail na ng consolidation.

Nitong kalagitnaan ng Enero, ang mga UV express ay nasa 82 percent na ang consolidation; 75 percent naman sa mga jeep; 86 percent sa mga bus; at 45 percent sa mini-buses. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *