Kauna-unahang human lung transplant sa bansa, pinasinayaan na
Binuksan na ang unang lung transplant sa bansa.
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang launching ng Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang malaking breakthrough ang pagkakaroon ng lung transplant sa bansa.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang healthcare professionals sa patuloy pagbibigay serbisyo sa taong bayan.
“Let us remember that healthcare is our covenant with the people, a public commitment driven by neither political agenda nor personal legacy projects. In this hospital where heroes walked and worked, may this program be a testament to our unwavering duty to serve the Filipinos,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Si Pangulong Marcos ang ikalawang pangulo ng bansa na bumisita sa Lung Center kasunod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Taong1998 pa may nakapila na sana sa lung transplant subalit nasunog ang Lung Center of the Philippines.
Inuna muna ang pag-aayos nito bago ang lung transplant.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang pneumonia at iba pang respiratory diseases ang nasa top 20 diseases na sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino.
Nasa P4.2 milyon ang inilaang pondo para sa renovation ng post-anesthesia care at P1.8 milyon ang inilaan para sa surgical intensive care unit.
Ang nasabing pondo ay nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act at private sector donations.
“Nais naming ipaabot ang aming taus-pusong pasasalamat dahil sa inyong katapangan, your gallant acts do not fade with time, then gratitude has no expiry date either. In LCP and NKTI, these words ring true: ‘Never was so much owed by so many to so few’,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kasabay nito, nangako si Pangulong Marcos na magtatag ng 179 na medical specialty centers bago matapos ang administrasyon sa 2028.
Pito sa naturang specialty centers ang laan para sa lung care centers. (Chona Yu)